BUHAY KRIMINOLOHIYA
Kriminolohiya ang aking pangarap na kurso, ano nga ba ito? Sa pagpili ko ng kurso na ito ay walang alinlangan sa isip at puso ko dahil ito talaga ang aking gusto. Sabi ng aking mga magulang “nasa hukay na ang isang paa mo sa pagkuha niyan , kakayanin ba iyan ng katawan mo?” Ina , Ama simula pa noong bata ako ay ito na ang aking gusto ang mag serbisyo at magprotekta sa tao . Sa pagkuha ng kurso na ito’y tiyak apat na taon ang ilalaan ko para sa pag-aaral ng krimen, kabilang ang mga sanhi nito, mga tugon ng pagpapatupad ng batas, at mga pamamaraan sa pangangasiwa ng seguridad.
Pag- aaralan din dito ang mga salik sa lipunan at sikolohikal na nagiging sanhi ng mga tao sa pag gawa ng krimen.Ang kursong ito ay hindi biro,lakas ng loob ,determinasyon at integridad sa sarili ang pundasyon ko. Ito’y mahirap ngunit diba wala namang madaling bagay sa pag- aabot ng minimithing pangarap. Lahat ay mahirap, lahat ay binibigyan ng oras at sakripisyo,lahat ay nakakapagod, minsa’y nakakasakit ng ulo.Lahat ay mahirap, minsan nga gusto ko ng sumuko pero wala saaking bukabularyo ang pagsuko, magpapahinga lang kapag pagod na at tuloy padin sa laban ng buhay ,sabi nga Ravan lang . Buhay talaga’y sadyang ganyan pagdadaanan mo ang sobrang hirap bago mo makamit ang pangarap. Sa kasalukuyan ako ay nasa unang taon sa kolehiyo sa paaralan ng St.Vincent College of Cabuyao.
Sa kursong ito natutunan kong maging isang magandang modelo sa kapwa estudyante ko dahil pag ika’y isang kriminolohiya ay ibig sabihin isa kang disiplinadong mag aaral.Sa unang pagsasanay ko ay hinubog ako na maging disiplinadong indibidwal , disiplina sa sarili ay kelangan kong pagyamanin. Binilad sa tumatagingting na init ng araw ito’y aking tiniis ,limitadong galaw sa amin ay pinag praktis ,ngunit ito ay hindi hadlang na ako’y umayaw.Anumang unos sa buhay kapag kasama ang may kapal ako’y lalaban at siguradong ito’y mapagtatagumpayan. Balang araw magiging isa ako at tayo na alagad ng batas at taga protekta at serbisyo sa taong bayan.
True😊
ReplyDeleteIsa ka pong magandang modelo..mas lumakas po ang loob ko ngayon na magsundalo para protektahan ang mga tao💖
DeleteMas lalong nagkaroon ako ng lakas ng loob para pasukin ang kursong ito. Thank you for sharing ur experience.
ReplyDeletehello kamusta, maari ko ba hiramin ang kaunting sentence para sa aking talumpati sa Filipino?
ReplyDelete